Psalms 66

1Mag-ingay sa galak para sa Diyos, lahat ng nilalang; 2Awitin ang kaluwalhatian ng kaniyang pangalan; gawing maluwalhati ang kaniyang kapurihan.

3Sabihin mo sa Diyos, “Nakakikilabot ang iyong mga gawa! Sa pamamagitan ng kadakilaan ng iyong kapangyarihan, magpapasakop sa iyo ang iyong mga kaaway. 4Sasamba at aawit sa iyo ang lahat ng nasa lupa; aawit sila sa iyong pangalan.” Selah

5Halika at tingnan ang mga gawa ng Diyos; kinatatakutan siya sa kaniyang mga ginagawa sa mga anak ng mga tao. 6Ginawa niyang tuyong lupa ang dagat; tumawid sila sa ilog nang naglalakad; nagalak kami sa kaniya roon. 7Namumuno siya magpakailanman sa pamamagitan ng kaniyang kapangyarihan; pinagmamasdan ng kaniyang mga mata ang mga bansa; huwag hayaang itaas ng mga suwail ang kanilang mga sarili. Selah

8Purihin ang Diyos, kayong mga tao, hayaang marinig ang tinig ng kaniyang kapurihan. 9Iniingatan niya tayo sa mga nabubuhay, at hindi pinapahintulutang madulas ang ating mga paa.

10Dahil ikaw, O Diyos, ang sumubok sa amin; sinubok mo kami gaya ng pilak. 11Dinala mo kami sa isang lambat; nilagyan mo kami ng matinding pabigat sa aming mga balakang. 12Pinasakay mo ang mga tao sa aming mga ulo; dumaan kami sa apoy at tubig; pero inilabas mo kami sa malawak na lugar.

13Pupunta ako sa iyong tahanan na may mga sinunog na handog; tutuparin ko ang aking mga panata 14na ipinangako ng aking labi at sinabi ng aking bibig nang ako ay nasa kahirapan. 15Magsusunog ako ng taba ng mga hayop bilang handog na may mabangong samyo ng mga tupa; mag-aalay ako ng mga toro at kambing. Selah.

16Halika at makinig, lahat kayo na may takot sa Diyos, at ipahahayag ko kung ano ang ginawa niya para sa aking kaluluwa. 17Nananawagan ako sa kaniya gamit ang aking bibig, at pinuri siya ng aking dila. 18Kung alam kong may kasalanan sa aking puso, hindi makikinig ang Diyos sa akin.

19Pero tunay ngang nakinig ang Diyos; binigyan niya ng pansin ang tinig ng aking panalangin. Purihin ang Diyos, na hindi itinakwil ang aking panalangin o kaniyang katapatan sa tipan mula sa akin.

20

Copyright information for TglULB